NAGA CITY – Arestado ang tatlong pulis at apat na civilian asset na umano’y sangkot sa extortion sa Maharlika Highway, Poblacion sa Sito Putol, Brgy Masin Sur, Candelaria, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina PSSg Alvin Tabernilla Dimaranan, PSSg Samuel Adal Merluza at Pat John Paul Ymason Faulmani kasama ang mga civilian assets na sina Nelson Ravelo, Jessica Alcantara, Reggie De Chavez at Niño Gabia Plata.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na dinukot umano ng nasabing mga suspek na pawang mga miembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) na nakaassign sa Candelaria PNP ang mga drug offenders at sinubukang kikilan ng pera kapalit ng kanilang paglaya.
Ngunit, natunugan ito ng mga otoridad kung kaya agad na nagsagawa ng entrapment operation na nauwi sa pagkakahuli ng nasabing mga pulis at civilian assets.
Naitala pa ang palitan ng putok nang subukang tumakbo ng isa sa mga pulis sa safe house ngunit naaretso parin ang mga ito.
Narescue naman ang biktimang si Howard Kim Calingasan Hernandez.
Narekober sa safe house ang ilang sachet ng illegal drugs at assorted firearms.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa dalawa pang suspect na pinaniniwalaang mga miembro pa ng Candelaria PNP na nakatakas sa gitna ng nasabing operasyon.