NAGA CITY- Nagpaabot ng reklamo ang dalawang sibilyan matapos na umano’y bugbugin at pwersahing gumawa ng mga malalaswang bagay ng
tatlong pulis sa Naga City.

Ito’y kaugnay ng reklamo nina Joseph Asignado, Jr. at Eduardo Palmiano, Jr. na mga residente ng Brgy. Abella sa nasabing lungsod ng pambubugbog,
pagaresto ng walang mga karampatang dokumento at paglalagay ng sili sa puwetan ng kanilang katawan ng mga umano’y pulis.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Community Relations Cheif PMaj. Augusto Manila ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong sa
ngayon nasa hurisdiksyon na nila ang tatlong akusadong pulis na itinanggi nitong pangalanan.

Ayon kay Manila, sa ngayon pinag-papaliwanag nila ang mga ito sa nangyari at kung mapatunayan na may pagkakasala ay agad na mahaharap sa
karampatang kaso.

Aniya, bilang mga alagad ng batas intolerable ang ganitong mga insidente.

Samantala, tiniyak naman ni Manila na agad mabibigyan ng aksyon ang nasabing insidente lalo na ngayon na nagsasagawa sila ng internal cleansing.