NAGA CITY- Sugatan ang tatlong indibidwal matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Poblacion West, Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Leni Bogati, 70-anyos; Ryan Torregoza, 20-anyos at isa pang 17-anyos na lalaki.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang minamaneho ni Torregoza ang kaniyang motorisklo lulan ang backride nito na si Bogati, nang aksidente nitong masalpukan ang motorsiklo na minamaneho naman ni Nonsol na nasa kaparehong direksiyon.

Dahil sa salpukan, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima.

Kaagad naman na dinala sa ospital ang mga biktima para malapatan ng kaukulang lunas.