NAGA CITY- Nasabat ng task force ASF ng Naga City Peoples mall ang aabot sa 30 kilos na longanisa dahil sa mahigpit na pag papatupad ng monitoring sa mga karne sa lungsod dahil sa sakit na African Swine Fever (ASF).

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ramon Florendo, Market superintendent ng Naga City Peoples mall sinabi nito na kasabay umano sa mga kukumpiskahin ng task force ang mga home made longanisa na ipagbibili sa lungsod.

Ayon kay Florendo, dahil sa isa lamang ang dadaanan ng karne na papasok sa lungsod kung kaya masisiguro umano nila sa publiko na mahuhuli ang mga magpupumilit na pumasok ng produkto mula sa labas ng lungsod. Ito ay dahil narin sa wala naman umanong nababalitaan ang ahensya na gumagawa ng produktong longanisa sa NFH Farm.

Una na rito, kinumpirma ni Florendo, na galing sa malaking piggery na NFH Farm sa Milaor ang mga pinagbibiling karne sa merkado ng Naga City na aprobado naman ng National Meat Inspection Service (NMIS).

Kung maaalala aabot na sa dalawang toneladang proccess meat ang nakumpiska mula ng naging mainit ang issue sa ASF.