NAGA CITY – Mas pinahigpit ngayon ang mga guidelines na ipinapatupad sa 31 bayan at isang lungsod sa Camarines Sur matapos itong isailalim sa General Community Quarantine (GCQ).
Sa ibinabang Executive Order No. 06 ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, nakapalaman dito ang pagsasailalim sa 31 bayan at isang lungsod sa lalawigan sa GCQ habang ang mga natitirang bayan naman ay mananatili sa Modified Community Quarantine (MGCQ) dahil sa COVID-19 pandemic.
Mababatid na Hunyo 18, pa ng isailalim sa GCQ ang mga bayan ng Cabusao, Ragay, Sipocot, Milaor, Minalabac, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Bombon, Calabanga, Camaligan, Canaman, Magarao, Ocampo, Pili, Caramoan, Garchitorena, Goa, Lagonoy, Presentacion, Sagñay, San Jose, Siruma, Tigaon, Tinambac, Baao, Balatan, Bato, Bula, Buhi, Nabua at Iriga City.
Nakapalaman din dito na nasa High Risk ang bayan ng Balatan at Sagñay, nasa moderate risk naman ang Baao, Bato, Buhi, Cabusao, Calabanga, Garchitorena, Goa, Iriga City, Lagonoy, Nabua, Pamplona, Pasacao, Presentacion, Ragay, San Fernando, San Jose, Sipocot, Siruma, Tigaon at Tinambac, habang nasa Low Risk naman ang Bombon, Bula, Camaligan, Canaman, Caramoan, Magarao, Milaor, Minalabac, Ocampo at Pili.
Samantala, nasa Minimal Risk naman ang mga bayan ng Gainza, Libmanan, Lupi at Del Gallego.
Sa kabila nito, batay naman sa datos na inilabas kahapon ng Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD), 96 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 noong Hunyo 17, 2021 sa lalawigan ng Camarines Sur.Top