NAGA CITY- Arestado ang apat katao habang nakatakas naman ang isa pa sa isinagawang magkakahiwalay na drug buy bust operation kung saan napag-alaman na Social Amelioration Program (SAP) recepient ang dalawa sa mga suspek sa Quezon.

Kinilala ang mga ito na sina Carmela Cueto; Roman San Miguel; Michael Gonzales; Reynold Jumao-as; at si Joselito Lagrazon Jr., ng Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na newly identified drug personalities sina Cueto at San Miguel kung saan narekober dito ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Samantala, nakumpiska rin kay Gonzales ang isang pirasong sachet ng pinaniniwalaang shabu habang nakatakas naman si Jumao-as.

Sa kabilang dako, nakuha naman sa dating convicted sa drug related case na si Lagrazon ang 11 piraso ng plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.