NAGA CITY- Sa kabila ng mas pinahigpit na kampanya at pagbabantay ng mga otoridad, apat katao parin ang sugatan matapos tamaan ng paputok kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon sa Naga City at lalawigan ng Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Bicol Medical Center, tatlo sa apat na biktima ang pawang mga menor de edad na nasa 11-anyos, 12-anyos at 16-anyos ang mga edad na mula sa mga bayan ng Canaman at Minalabac.

Sa Naga City naman, isa katao rin ang itinakbo sa naturang ospiyal na residente ng Baranangay Cararayan matapos tamaan ng kwitis.

Kahapon, ilang oras bago ang Bagong Taon, isa katao din ang unang naitalang nasugatan sa Iriga City matapos tamaan din ng boga.

Samantala, ilang mga nagtitinda ng paputok naman ang nasita ng kapulisan matapos mahuling nagbebenta ng mga paputok sa labas ng designated area sa lungsod ng Naga.