Binawian ng buhay ang apat na katao habang sugatan ang nasa 11 iba pa sa nangyaring mass shooting sa parking lot ng isang pamilihan sa Fordyce, Arkansas.

Nangyari ang pamamaril, nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 21.

Hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong nangyari sa naturang shooting incident bagamat sa kumalat na video ay makikita ang gunman na walang habas na namaril gamit ang shotgun sa parking lot sa labas ng Mad Butcher grocery store.

Dahil sa pangyayari, sugatan naman ang isang pulis bagama’t hindi malubha ang kanyang kalagayan.

Samantala, napatay naman ang gunman na hindi pinangalanan, matapos ang palitan ng putok sa mga pulis.