NAGA CITY – Sugatan ang apat katao sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Fuentebella Highway, Barangay Boclod, San Jose, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang binabaybay ng motorsiklong minamaneho ni Ariel Capuz, 40-anyos ang kalsada sa naturang lugar ng mahagip ito ng nag-overtake na isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Lemuel Gavica.

Kaugany nito, nagtamo ng sugat sa ba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang drive r at ang dalawang menor de edad na backrider ni Capuz na agad namang isinugod sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing aksidente.