NAGA CITY – Dakong alas-9:30 nang dumating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lalawigan ng Camarines Sur at dakong alas-10:20 naman sa lungsod ng Naga.
Ito rin ang pinakaunang pagkakataon na pagpunta ng punong ehekutibo sa nasabing lalawigan simula nang manungkulan bilang pinakamataas na opisyal ng bansa at sekretaryo ng Department of Agriculture.
Sa naging talumpati ng pangulo, sinabi nito na ang pagtayo ng nasabing programa ay layong maipagbili ng mas mababang halaga ang mga agricultural at finished products.
Binibigyan din umano nito ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyo para maipagbili ang kanilang mga produkto.
Samantala, maliban sa bayan ng Pili sa Camarines Sur, dumalo rin ito sa groundbreaking ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Projects sa Panganiban area, Brgy. Concepcion Pequeña at Balatas sa lungsod ng Naga gayundin sa Provincial Capitol ng Camarines Sur para sa Distribution of various Government assistance.
Naroon din sa aktibidad sina Camarines Sur 2nd District Rep. Cong. Lray Villafuerte, 5th District Rep. Cong. Migz Villafuerte, Gov. Luigi Villafuerte, DTI Sec. Alfredo Pascual, DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, DSWD Sec. Rex Gatchalian, Secretary of Department o National Defense Carlito Galvez, Secretary of Presidential Communications Office Cheloy Garafil at marami pang iba.
Kaugnay nito, naging mahigpit ang seguridad sa nasabing mga lugar sa tulong na rin ng Naga City Police Office at Public Safety Office sa pakikipag-ugnayan sa Presidential Security Group ng pangulo.