NAGA CITY- Sugatan ang apat na indibidwal matapos na bumangga ang isang motorsiklo sa isa pang motorsiklo sa Sitio Mariposa, Brgy Bigo, Pagbilao, Quezon.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Kent Loujay Encina, 22-anyos, residente ng Canda Ilaya, Lopez, Quezon; backrider nito na si Graciela Angeles Nogot, 24-anyos, residente ng Brgy Valencia Sta Mesa Manila; alyas Romeo, residente ng Brgy Isabang Lucena City, driver ng motorsiklo at backrider naman nito na si Jayson Bereña Lopez, 25-anyos, residente ng Brgy Ajos, Catanuan, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni Romeo ang kahabaan ng nabanggit na kalsada kasama ang kanyang angkas gamit ang pinagmamanehong motorsiklo habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak, bigla na lamang itong gumiwang-giwang sa kalsada at pumasok sa kabaling linya ng nasabing daan.
Dahil sa pangyayari nabangga nito ang isa pang motorsiklo na pinagmamaneho naman ni Encina dahilan upang mawalan ng kontrol sa kanyang sasakyan at mahulog sa creek kasama ang backrider nitong si Nogot na nagin dahilan upang magtamo ng sugat sa kanyang katawan at ulo ang dalawa.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil rin sa insidente nahulog sa daan sina Romeo at Lopez na nagin rason upang magtamo rin ang dalawa ng sugat sa ibat ibang parte ng kanilang mga katawan
Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang apat para sa asistensya medikal
Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa naturang insidente.
Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ng Pagbilao Municipal Police Station sa publiko na mag-ingat sa pagmamaneho dahil sa unang arangkada pa lamang ng taong 2024 ay maraming ng mga vehicular accidents ang mga naitatala, ang iba sa mga ito ay tuluyang binawian ng buhay.