NAGA CITY – Sugatan ang apat katao kasama ang isang menor de edad matapos na masagi ang isang motorsiklo ng kasabay nitong isa ring motorsiklo sa Zone 1-A, Sitio Magtabid, Pasacao, Camarines Sur.

Minamaneho ng isang 16-anyos na lalaki ang unang motorsiklo habang angkas nito si John Paul Ocfemia, 21-anyos.

Kinilala naman ang driver ang driver ng ikalawang motorsiklo na si Reynaldo Rivera at ang angkas nito na si Joy Apuyan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang binabaybay ng dalawang motorsiklo ang nasabing kalsada ng aksidenteng masagi ng motorsiklo na minamaneho ng menor de edad ang motorsiklo ni Rivera.

Dahil sa nasabing insidente, lahat ng sakay sa mga nasabing motorsiklo ang nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.