NAGA CITY- Sugatan ang apat na katao kasam na ang isang menor de edad matapos ang karamnola ng apat na sasakyan sa Calauag, Quezon.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Analyn Peras, 28-anyos; Jerico Estebes Rubi at Kenneth Estofado Sauro, kapwa 23-anyos; at isang menor de edad na sakay ng L300 van na minamaneho ni Alfredo Fresto Fugoso, 41-anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ni Fuguso at tatlo pa nitong sasakyan ang parehong lugar nang biglang huminto ang sasakayang nasa unahan nila kung kaya tumapak din sa kanilang preno ang nasabing mga sasakyan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nawalan ng kontrol sa kaniyang sasakyan si Fuguso na naging dahilan upang tuluyang magkarambola ang apat na sasakyan.
Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan ang mga pasahero ni Fugoso na agad naman na dinala sa ospital para sa asistenisya medikal.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.