NAGA CITY- Arestado ang limang persona matapos ang isinagawang drug buy bust operation sa Zone 4, Balatas, Naga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police office (NCPO) napag-alaman na sa pinagsanib pwersa ng NCPO at PDEA ROV ay una ng naaresto ang suspek na si Syril Esquilon, 41-anyos.

Narecover dito ang isang pirasong plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 na buy bust money.

Samantala sa naturang lugar naaresto rin sina Jason Esquilon, 21-anyos, Jorge Basco, 38-anyos, Edmar Arenas, 26-anyos at Rogelio Malacas Jr., 33-anyos na magsasagawa sana ng pot session.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.