NAGA CITY- Sugatan ang lima katao matapos bumanga ang isang pribadong bus sa tatlong bahay sa Brgy. Bukal Pagbilao, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Romel Calbay Abello, 51; Michael Angelo Moreno, 36; Regine Joy Tinamisan Fuentes; at Reymar Balun Abendano, 29, lahat ay mga seafarers.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) napag-alaman na habang binabagtas ng BK Travel and Tour Bus na minamaneho ni Gualberto Flores Guzman, 58-anyos ang Maharlika Highway ng Brgy Bukal Pagbilao, Quezon ng mawalan ito ng kontrol sa manibela at napunta sa kabilang parte ng kalsada.
Dahil dito aksidente nitong nabanga ang isang business establishment building na pag-aari ng kinilalang si Adelaida Ayala Garcia at aksidente pang nahagip ang harapang parte ng dalawa pang bahay na pag-mamayari naman nina Ireneo Ayala at Pedro Ayala.
Batay sa imbestigasyon maghahatid lamang sana ito ng mga seafarers sa nasabing lugar dahil natapos na ng mga ito ang kanilang 14-days quarantine sa Manila.
Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang pasaherong si Fuentes na kasalukuyang naka-confine sa MMG Hospital sa lungsod ng Lucena.
Habang nagtamo naman ng mga minor injuries ang iba pang mga pasahero dito na agad namang nalapatan ng lunas ng rumespondeng Pagbilao MDRRMO.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa nasabing pangyayari.