NAGA CITY– Sugatan ang lima katao na sangkot sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Purok 14, Brgy. Poblacion, Sta. Elena Camarines Norte.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Jhon Carlo Mascarena 21-anyos lulan ang isang menor de edad habang isang nagngangalang Harry Boy Barrogao
31-anyos naman ang driver ng isa pang motorsiklo na lulan din ang dalawa pang menor de edad.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na liliko na sana si Mascarena
nang aksidenteng nabangga ang motorsiklo na minamaneho ni Barrogao.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang driver maging ang mga lulan nito.

Agad naman ang mga itong dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.