NAGA CITY- Sugatan ang limang katao matapos ang karambola ng dalawang behikulo sa Rolando Highway, Barangay Banga, Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Allan Murillo, 44-anyos; Alvin Frederick Sales, 36-anyos; Lhuwe Angelo Padilla, 26-anyos; Glenn Aguila, 20-anyos; at Valentino Velasco.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang binabaybay ni Murillo ang kahabaan ng Rolando Andaya Highway ng nasabing bayan gamit ang minamaneho nitong truck sakay si Velasco nang aksidente itong mabangga ng van na minamaneho naman ni Aguilla sakay sina Sales t Padilla.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan ang nasabing mga indibidwal na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa an isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.