NAGA CITY – Sugatan ang limang katao kasama na ang suspek matapos ang nangyaring pananaga sa Zone 1, Brgy. Dolo, San Jose, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Zaldy Palaad, 51-anyos, Zone 2, Brgy. Dolo, sa nasabing bayan, Jomar Payong, 32-anyos, Jeffrey Payong, 33-anyos, Reyland Fontilla, 41-anyos, kapwa residente sa nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMS Rodolfo Rivero, ang Investigator On Case, sinabi nito na nagkaroon ng mainit na diskusyon ang biktima na si Zaldy at ang suspek na kinilalang si Miguel Payong, 57-anyos, residente ng nasambing lugar dahil sa pagbibiruan ng mga ito hinggil sa isinanglang electric fan ng biktima dahilan upang magtagaan ang dalawa.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na sinubukan sana ni Jomar, Jeffrey at Reyland na awatin an mga ito ngunit pinagtataga rin ang mga ito ni Miguel.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima kasama na ang suspek.
Kung saan agad naman na naidala ang mga ito sa ospital para sa asistensya medical.
Dadag pa ni Rivero, nasa ilalim naman ng impluwensya ng alak si Zaldy ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.