NAGA CITY- Patay ang limang miyembro ng Cafgu Active Auxillary (CAA) habang sugatan rin ang tatlong iba pa sa palitan ng putok sa pagitan nang tropa ng gobierno at ng Communist Terrorist Group sa Tagkawayan Quezon.
Kinilala ang mga namatay na sila Cesar Sales; Jeffrey San Antonio; Aldon James Rapa; Johnwell Perez; at Jomari Guno; habang ang mga sugatan ay sila Lauro De Guzman; Regie Macalintal at Cpl Marvijun Oller Jr., mga residentes ng mga nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagsasagawa ng combat patrol ang isang squad ng CAA PB Mapulot na pinapangunahan ni Oller sa Sitio. Pag Asa, Brgy. Mapulot sa nasabing bayan ng makaengkwentro nito ang miyembro ng CTG na tumagal ng 30 minutos.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na ang nagin dahilan ng palitan ng putok ay ang pagsabog ng mga nakatagong Improvised Explosive Devices (IED) land mines.
Sa ngunyan ay nagpapatuloy pa rin ang sinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.