NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng Provincial Health Office ng Quezon na mayroon na silang limang Person Under Investigation ( PUI) dahil sa
pinaniniwalaang may sintomas ng Novel Coronavirus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, Provincial Health Officer ng Quezon sinabi nito na mayroong limang PUI na naka
quarantine ngayon sa lugar na kinabibilangan ng ilang Pinoy at Chinese nationals na pawang nagmula sa ibang bansa.
Ayon kay Santiago, una na nilang ipinadala ang mga sample ng mga ito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang masuri.
Sa ngayon, hawak na aniya ng ahensya ang resulta ng eksaminasyon ngunit wala pa abiso kung kailan pwedeng isapubliko.
Gayunpaman ayon kay Santiago, may mga ilang PUI umano silang nakatakda nang makalabas ngayong araw matapos ang 14 days quarantine
period habang hinihintay na lamang ang opisyal na pahayag ng Department Of Health.
Sa ngayon kinokonsidera parin umanong nasa ilalim sa PUI ang mga ito at wala pang kumpirmadong nagpositibo sa sakit sa naturang probinsya.Top