NAGA CITY- Inamin ng isang principal sa lungsod ng Naga na mabigat para sa mga guro ang 6-hours teaching policy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rick Ruizo, Principal 1, sa Tinago National High School, sinabi nito na base sa inilabas na order ng DepEd, nire-required ang mga guro na magturo ng anim na oras.

Sakala kasi umanong magturo sila ng lagpas sa anim na oras ay bibigyan ang mga ito ng overtime pay.

Ang matatag curriculum umano ay 45 minutes na lamang bawat session, habang noon ay kada oras.

Ngunit sa kasalukuyan, ang dating anim na session ay magiging walong session kung kaya ay mas matatagalan ang pagtuturo ng mga guro.

Dahil dito, nabibigatan umano si Ruizo sa nasabing implementasyon lalo na kung dirediretso ang sesyon na ito.
Kaugnay nito, dahil sa walong oras ang talaan na trabaho sa gobyerno ay ang anim na oras umano dito ay para sa actual teaching na iba’t iba ang subjects, habang ang natitirang oras ay para naman sa teaching related task gaya ng pagcheck sa mga test paper, class record at iba pa.

Samantala, sakali rin umanong lumampas ng dalawang oras, babayaran ang guro ng 25% ng kanilang sweldo.

Sa kabilang banda, sa kanilan naman na paaralan ay umaabot lamang sa 5 oras at 30 minutos. Base raw kasi san nakapaloob sa Magna Carta na ang 6 oras ay hindi rin dapat sagarin. Ngunit ilan sa mga paaralan sa bahagi ng ating bansa ang kinukulang sa mga guro kung kaya’t kinakailangan nilang sumunod sa nakatalang oras.