NAGA CITY – Arestado ang anim na indibidwal matapos na pasukin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Maria Abendaño, 52-anyos; Francisco Veralde, 38-anyos; Mylene Abendaño, 31-anyos; Zacarias Abendaňo, 25-anyos; Eric Sargento, 21-anyos; at Efren Jay Abendaño, 18-anyos, lahat residente sa nasabing bayan.

Ayon kay PMaj. Rodolfu Borromeo, ang OIC ng Calabanga Municipal Police Station, na nakumpiska sa mga ito ang humigit-kumulang nasa 60 grams ng pinaniniwalaang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P400,000.00.

Kaugnay nito, bago umano isagawa ang nasabing operasyon, halos ilang linggo na rin na minamanmanan ng mga awtoridad ang nasabing drug den na nakumpirmang nagsasawa rin ang mga ito ng pot session sa nasabing lugar.

Maaalala, na isang drug den rin ang pinasok ng mga awtoridad sa nasabing bayan kung saan naaresto naman dito ang tatlong drug personality.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.