NAGA CITY – Muli na namang nadagdagan ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, nabatid na anim na bagong COVID-19 positive cases ang naitala ngayong gabi.
Tatlo sa nasabing bilang ang pawang mga health workers.
Kagabi nang unang naitala ang ika-26 na kaso mula sa Naga City ngunit nito lamang gabi ng nasundan agad ng ika-29 confirmed case.
Isa itong 25-anyos na lalaki na unang nagpakunsulta sa Bicol Medical Center (BMC) noong Abril 21, 2020.
Isa itong health worker habang patuloy pang inaalam ang history of exposure habang kinokonsidera ring asymptomatic o walang nararamdamang sintomas.
Maliban dito, isang 64-anyos na babae naman mula sa Tabaco City, Albay ang Bicol #30.
Dumating ito mula sa Quezon City noong Marso 11, 2020 at unang nakaramdam ng sintomas noong Abril 15 at nagpakunsulta sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) noong April 20, 2020.
Ang naturang pasyente ang nananatiling naka-admit sa nasabing ospital.
Isa namang 19-anyos na lalaki ang ika-31 confirmed case mula sa Legazpi City at mayroong close contact sa Bicol#20.
Nagpakunsulta ito sa BRTTH noong Abril 21, 2020 at kasalukuyang asymptomatic.
Ang ika-32 confirmed case ay isa ring 40-anyos na lalaking health worker na mula sa Camalig, Albay.
Ang naturang pasyente ang nagpakunsulta sa BRTTH noong Abril 21 at Asymptomatic.
Ang Bicol#33 naman ay isang 43-anyos na babae mula sa Guinobatan, Albay na nagpakunsulta rin sa BRTTH noong Abril 21, isang asymptomatic habang patuloy pang inaalam ang history of exposure.
Samantala, mula naman sa Legazpi City ang ika- 34 confirmed case na isang 33-anyos na babae, isa ring asymptomatic at nagpakunsulta sa BRTTH noong Abril 21.
Sa ngayon, mayroon ng kabuuang 34 confirmed cases recorded sa rehiyon.