NAGA CITY – Sugatan ang anim na indibidwal kasama na ang dalawang menor de edad matapos aksidenteng makabundol ang isang truck sa isang tricycle sa Zone 5, Brgy. Del Socorro, Minalabac, Camarines Sur.

Kinilala ang mga sugatan na sina Arjay Sibulo, 24-anyos, drayber kan tricycle; Rachelle Mayores, 24-anyos; Jericho Mayores, kasama ang 2-anyos 4-anyos na aki, kapwa residente ng Brgy. Alianza, San Fernando, Camarines Sur, habang sugatan naman ang drayber ng truck na si Romel Pascua, 32-anyos, residente ng Zone 1, Brgy. Mabolo, Naga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang binabagtas ng truck na minamaneho ni Pascua ang kahabaan ng kalsada ng Brgy. Del Socorro, Minalabac papunta sa Naga City ng mawalan ito ng brake pagdating sa pababang bahagi ng kalsada.

Dahil dito, nakasalpok ito sa kasalubong na tricycle na minamaneho naman ni Sibulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mg awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.