NAGA CITY- Patay ang isang 7-anyos na bata habnag sugatan naman ang pitong menor de edad gayundin ang driver at isang pahinante matapos na araruhin ng isang truck ang dalawang bahay sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Angel Philip Ner, 26-anyos at ang mga menor de edad na dalawang 14-anyos, 13-anyos, 10-anyos, 8-anyos, 7-anyos asin isang 1-year old na sanggol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pat. Alejandro Veluz, ang imbestigador ng naturang aksidente, sinabi nito na mula sa Bicol at papunta sana ng Maynila ang naturang suspek, ngunit pagdating sa may Maharlika highway, Brgy. Inaclagan sa nasabing bayan, dito na umano ito nawalan ng kontrol sa manibela.

Ayon pa kay Veluz, wala naman sanang tao sa loob ng dalaang bahay ngunit natamaan ng mga debris ng bahay ang mga biktima dahil sa impact ng pagkakabangga ng truck.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital.

Ngunit ikinasawi ng 7-anyos na bata ang naturang insidentre.

Dagdag pa nito, maliban pa sa buionawian ng buhay mayroon pding naging kritikal ang buhay ngunit sa ngayon ay stable na rin.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Edmar Tuanda Nocos, 29-anyos, residente ng Santa Rosa, Laguna.

Napag-alaman naman na nasugatan si Nocos at ang pahinante nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.