NAGA CITY- Arestado ang pitong indibidwal na nagsasagawa ng optical mission na hindi legal o walanng permit matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga kapulisan sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSG. Adrian Lirag PCR PNCO Lagonoy MPS, sinabi nito na noong Sabado, May 25, 2024 pumunta sa kanilang opisina ang mga kinatawan ng Integrated Philippine Association of Optometrists-Camsur upang ireklamo ang tungkol sa mga indibidwal na nagsasagawa ng Optical mission na walang permit at nagbebenta ng mga salamin sa mata sa kanilang mga pasyente.
Matapos ito, agad rin umanong nagsagawa ng verification ang kanilang mga personahe at ng ma-confirmed dito na kanilang naset up na entrapment operation.
Kaugnay nito, naaresto ang nasa pitong indibidwal na pinangungunahan ng isang licensed optometrist at kinumpiska ang kanilang mga gamit.
Ang mga nasabing indibidwal ang sinampahan na ng kasi at mayroong rekomendadong piyansa na umaabot sa P48-K para sa kanilang pansamantalang paglaya. Ngunit kung mabigo ang mga itong makapag-piyansa ay deristo na mga ito sa BJMP at dito na ring sila makukulong.
Ang mga naaresto ang inireklamo ng mga legal na optical clinic dahil hindi umano sila nagrerenta ng building at walang karampatang permit.
Sa ngayon ay pinaalalahanan na lamang ng opisyal ang publiko na laging sumunod sa mga alituntunin upang maiwasan na malagay sa alanganin na sitwasyon.