NAGA CITY – Nananatili ngayon sa evacuation center ang nasa 16 na pamilya o 70 katao mula sa Camarines Norte, ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Bising.

Batay sa datos ng Office of the Civil Defense (OCD)-Bicol, napag-alaman na aabot sa 21,793 na pamilya ang naitalang naapektuhan ng pananalasa ng nasabing bagyo.

Kaugnay nito una naring naitala ang dalawa kataong sugatan matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa nakatumbang poste ng kuryente pagkatapos ang pananalasa ng bagyong Bising.

Kinilala ang mga biktima na sina Jasper Morales, 43-anyos at Wilson Garcia, 39-anyos mula sa Daet, Camarines Norte.

Samantala aabot naman sa 10,021,500 ang kabuuang bilang ng mga natamong pinsala ng naturang probinsya pagdating sa agrikultura.

Sa ngayon nakababa na ang Red Alert Status sa Bicol Region dahil kay bagyong Bising.