NAGA CITY- Umabot sa 70 stranded passengerws ang naitala sa mga pantalan sa probinsya ng Camarines Sur.
Ito ay dahil hindi umano nabasa ng mga ito ang ipinalabas na pahayag ng ahensya kaugnay sa pagkakansela ng byahe ng mga roro patungong Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Junior Grade Bernardo Pagador Jr., station commander kan Philippine Coast Guard (PCG-CamSur) sinabi nito na kasalukuyang nasa Port Management Unit ng Pasacao Camarines Sur ang nasabing mga stranded na pasahero.
Ayon kay Pagador, pinag-uusapan narin umano ng lokal na gobyerno ng lugar at ng nasabing ahensya ang mga posibleng hakbang na maaaring gawin para sa nasabing mga pasahero. Ito ay dahil hindi narin umano pweding makapaglayag ang mga ito dahil sa ipinatupad na no sailing policy at pagsasailalim sa state of Calamity ng bansa dahil sa Coronavirus Disease o Covid-19.
Sa ngayon isa umano sa posibleng solusyon na iminumungkahi ng ahensya ay pabalikin na lamang ang mga ito kung saan itong lugar nanggaling, dahil hindi umano maaraning manatli ang mga ito sa pantalan hanggang sa matapos ang ipinapatupad na Enhanced Quarantine sa boong Luzon.