NAGA CITY- Tinatayang umabot na sa mahigit 75,900 ang mga indibidwal sa halos 300 na barangay ang lumikas sa probinsya ng Camarines Sur dahil sa banta na dala ng Bagyong Rolly.

Ito’y matapos na ipatupad ni Gov. Migz Villafuerte ang Forced Evacuation sa nasabing probinsiya lalo na sa mga lugar na nasa high risk areas.

Sa ngayon kasalukuyan ng nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal #4 sa eastern portion of Camarines Sur habang Signal #3 naman sa natitira pang bahagi ng lalawigan.

Una na rito nag sagawa rin ng surprise inspection ang naturang gobernador sa ilang mga bayan sa probinsya upang matiyak na lahat ng Local Government Unit ay sumusunod sa mga direktiba na kanyang ibinaba.

Samantala sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Estel Estropia, ng PDRRMO-CamSur, sinabi nito na handa narin ang mga Incident Management Team (IMT-CamSur) at ang mga Emergency Operation Center ng probinsya.

Ayon kay Estropia, patuloy pa umano ang pagdadag ng bilang ng mga evacuees mula sa mga lokal na gobyerno sa mga bayan na sakop ng probinsya.

Nabatid na sa kasalukuyan, ang mga bayan umano na sakop ng eastern portion of Camarines Sur ang mahigpit na tinututukan ng ahensya dahil sa posibleng labis na epektong posibleng maranasan nito dala ng nasabing bagyo.

Kaugnay nito apektado ng Signal #4 ang probinsya ng Catanduanes at eastern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan).

Habang apektado naman ng Signal #3 ang natitirang parte ng Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Burias and Ticao Islands, Marinduque, and the southern portion of Quezon (Atimonan, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, Lopez, General Luna, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez).