NAGA CITY- Sugatan ang 8 indibidwal pagkatapos na mabanggaan ang kanilang sinasakyan na sasakyan sa San Narciso, Quezon.

Kinilala ang mga sugatan na sina Vercelis, 41-anyos, residente ng Brgy. Buenavista, Quezon; at ang mga pasahero nito na sina Liezel Fontanilla Genovaña, 54-anyos, Jeniffer Camila Paulen, 27-anyos; at sina Sherlyn, Arkin, Kaila, Apple, at Rey na pawang mga menor de edad, lahat residente ng Brgy. Lakdayan ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng mga biktima gamit ang isang tricycle na minamaneho ni Vercelis ang daan, nang mag-overtake si Reniel Buhay Toling, 22-anyos, residente ng Brgy. Rizal, gamit ang isa ring tricycle habang sakay nito si Edison, 20-anyos, residente ng Brgy. Tala San Andres.

Aksidenteng nabangga nito ang tricycle na sinasakayan ng mga biktima, na naging dahilang kaya nawalan ng kontrol si Vercelis at mag-crash.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sina Vercelis at ang mga pasahero nito na kaagad naman na dinala sa ospital para sa agarang lunas.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Toling para sa karampatang disposisyon.