NAGA – Nasa kustudiya na ngayon ng mga kapulisan ang walong manginisda na nahuli na iligal na nangingisda sa Bgy. Penitan, Siruma, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Samudio, Ryn Palero, Joel Aguilar, Eddie Cortezano, Joselito Evangelista, Ryn Banco, Carlito Oliver at Alvin Ablaneda.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PNP-Siruma, napag-alaman na nahuli sa akto ang mga suspek na gumagamit ng ipinagbabawal na fish net na kilala sa pangalan na ‘Galadgad’.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang green na fishing boat, isang set ng illegal fishing paraphernalia at siyam na box ng assorted na mga isda na tinatayang nasa P9,000 ang halaga.

Sa ngayon nasa kustudiya ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.