NAGA CITY- Natagpuan na ng Caramoan MDRRMO sa pamumuno ni Head of Office Christian Aris Guevarra ang mga nawawalang mga mangingisda na mula Sitio Lipata, Brgy. Gogon, Caramoan, Camarines Sur sa may bahagi ng sa Sitio Punat, Brgy. Pinitan, Siruma, sa nasabing lalawigan.

Maalala, nag-umpisang mangisda ang mga ito nitong Lunes, Agosto 12, 2024 ngunit nasira ang makina na kanilang sinakyan na bangka at napadpad sa baybayin ng Siruma. 

Agad naman nagsagawa ng operasyon ang opisina ng MDRRMO Caramoan sa kautusan na rin ng Mayor sa nasabing bayan na gawin ang lahat ng paraan upang makauwi ang mga mangingisda sa kanilang pamilya.

Nabigyan na rin nag karampatang tulong ang mga mangingisda at sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na.