NAGA CITY- Kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ang pagtaas naman ng mga nagpopositibong mga frontliners sa Bicol region.
Ito’y matapos na magpositibo ang walong pulis, dalawang doktor at isang nurse.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj Louie Manuel Dela Peña, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) sinabi nito na posibleng nahawa ito mula sa isa sa mga personnel ng hepatura na nauna ng naiulat na nagpositibo sa sakit.
Aniya, Biyernes, Abril 2, 2021, nang isinailalim na ito sa isolation sa bayan ng Bula sa nasabing lalawigan.
Ngunit kahapon lamang nang makuha ang resulta ng kaniyang swab test at nakumpirma na positibo ito sa nasabing virus.
Sa kabuuan, nasa walo ng personahes ng CSPPO ang nagpopositibo sa COVID-19.
Sa kabila nito, nilinaw naman ni Dela Peña na hindi nagpatupad ng lockdown sa mga opisina ng CSPPO batay na rin sa naging kautusan ng PNP Provincial Director.