NAGA CITY- Umabot sa humigit-kumulang P290-K ang halaga ng iniwang pinsala sa sumiklab na sunog sa Sitio Tinago, Barangay Pag-oring Nuevo, Libmanan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FO3 Ronel N Beraquit, RN Fire Station Libmanan, sinabi nito na ang dahilan ng nangyaring sunog ay mula sa naiwang pinapa-init na tubig na nasa kaserola.
Ayon pa kay Beraquit, dahil sa mainit na panahon, nalusaw ang kaserola na nagin dahilan upang maabot nito ang bubong ng bahay na gawa sa light materials.
Kaagad na kumalat ang apoy na rason upang madamay ang nasa walong residential house na magkakapamilya man lang at dalawang indibidwal na nasagutan.
Kaugnay nito, marami naman umano ang nagresponde at marami ang mga nagtulungan upang maapula ang nasabing sunog.
Sa ngayon, muli naman na nagpaalala ang opisyal na sa oras ng sunog, unahin ang buhay kaysa sa anupaman na bagay.