NAGA CITY- Tinatayang mahigit 80% na mga botante sa lungsod ng Naga ang nakapagrehistro ngayong huling araw ng voter’s registration.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Mico Juia, election officer ng Comelec-Naga, sinabi nitong kahit umano nakaamba ang postponement ng 2020 elections, hinikayat parin nila ang publiko na magparehistro.

Ayon pa kay Julia, wala pa namang direct notice sa nasabing postponement subalit kung matuloy aniya ito, muli nilang bubuksan sa publiko ang voter’s registration.

Nabatid na ito na ang huling araw na itinalaan ng naturang komisyon para sa mga botante na nais magparehistro.

Advertisement
Advertisement