NAGA CITY- Sugatan ang siyam katao sa karambola ng apat na sasakyan sa Barangay Mal-ay Lopez, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office nabatid na habang binabaybay ng isang tracktor na minamaneho ni Arjay Lopez ang kalsada sa nasabing lugar ng mawalan umano ito ng kontrol dahilan para bumangga ito sa isang bahay na pag-aari ng nagngangalang Jaime Decena at tumama pa sa likurang bahagi ng kanyang behikulo ang tatlo pang sasakyan na minamaneho nila Edwin Bolilan, Rico Britanico at Berdon Basa.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero ng mga naturang sasakyan ganun rin ang may-ari ng nahagip na bahay.

Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.