NAGA CITY- Kasalukuyang nang naka-quaratine ang siyam na magkakapamilya na bumiyahe mula sa Manila ngunit nadiskubreng peke ang mga dalang COVID-19 test result sa Goa, Camarines Sur.
Nabatid na sa nasabing mga pasahero, isa dito ay menor de edad, pito ang residente ng Barangay Catagbacan habang ang daalwa pa ay residente ng Barangay Matacla sa nasabing bayan.
Kinilala ang mga driver ng dalawang van na sina Richard Bandala, 39-anyos residente ng Valenzuela City at assistant driver nito na si Teofilo Magno Jr, 49 –anyos ng Moonwalk, Parañaque City at ang isa pang driver na si Ricardo Codelana, 42-anyos ng Cainta, Rizal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj.Bernard Peñero, hepe ng Goa Municipal Police Station, sinabi nito na nang makita ng Public Health Nurse gayundin ng mga tauhan ng Goa Municipal Epidemiological Surveillance Unit (MESU), dito na nakita na peke ang mga COVID test results at hindi rin rehistrado ang laboratoryo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Sinabi ni Peñero na ayon sa mga pasahero, mismong ang mga driver ang nagbigay ng mga peleng dokumento.
Dahil dito, kinumpiska ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya nina Bandala, Magno asin Codelana.
Sa ngayon, mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11332 o An act Providing Policies and Prescribing Procedures on Surveillance and Response to Notifiable Diseases, Epidemics, and Health Events of Public Health Concern ang naturang mga driver.