Nakarating na sa Pilipinas ang 90 overseas Filipino workers (OFW) kasama ang kanilang pamilya mula sa United Arab Emirates (UAE) matapos silang tulungang makauwi ng pamahalaan dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Dumating ang mga OFW nitong gabi ng Marso 8 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa kabuuan, 33 sa mga OFW ang sinamantala ang alok ng gobyerno para sa boluntaryong pagpapalikas, habang ang iba naman ay mga manggagawang Pilipino na na-stranded sa Dubai.

Sinalubong ang mga repatriated OFW ng mga opisyal ng DMW sa pangunguna ni Hans Leo Cacdac, kasama ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Advertisement

Nagbigay ang pamahalaan ng agarang tulong at assistance sa mga OFW upang matulungan silang makapagsimula muli sa kanilang pagbabalik sa bansa.

Advertisement