NAGA CITY- Nakapagtala ng 93 na kaso ng dengue ang lungsod ng Naga simula Enero hanggang Hunyo 2022.
Ayon kay Allen Reondanga, ang head ng City Events, Protocol, and Public Information Office (CEPPIO)-Naga, sa kaparehas na period ng taong 2021, tanging 38 lamang na kaso ng dengue an naitala sa lungsod.
Ibig sabihin, umakyat sa 144.73% ang dengue cases sa lungsod sa kaparehong period ng nakaraang taon.
Kaugnay nito, 19 naman sa 27 Barangay sa lungsod ang nakapagrehistro ng naturang sakit kung saan apat dito ang nangunguna sa may mataas na kaso ng nasabing sakit kabilang na ang Brgy. San Felipe, 19 kaso; Concepcion Pequeña, 11 kaso; Pacol, 8 kaso at Cararayan, 6 kaso.
Samantala, mahigpit naman ang pinapatupad ng Lokal na pamahalaan ang 4s kontra Dengue o an “Search and destroy”; “Self-protection measures”; “Seek early consultation”; at “Support fogging/spraying”.