NAGA CITY – Inaaasahang dadagdagan pa ng 9th Infantry Division Philippine Army ang pwersa ng tatlong batalyon na una nang ipinadala sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Gen. Fernando Trinidad ang Commanding Officer ng 9th Infantry Division Philippine Army, sinabi nitong kukuha ng dagdag na pwersa sa 200 na sundalo na nagtapos noong mga nakaraang linggo.

Kahapon nang isagawa rin ang send off ceremony sa naturang mga sundalo.

Kaugnay nito, aminado ang commanding officer na wala pang katiyakan kung kailan maibabalik sa Bicol ang tatlong batalyon na una nang sumabak sa Marawi Crisis.

Kung maaalala kasama sa mga batalyon na mula sa 9th ID at halos mahigit dalawang taon nang nananatili sa Mindanao ang 65th IB, 49th IB at 42nd IB at ang 901st Infantry Brigade.