NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang nagpapalutang-lutang na katawan ng tao sa karagatang sakop ng Calauag, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Bienvenido Conchada 52-anyos, isang mangingisda at residente ng Sitio Tiwi Brgy. Poblacion, Capalonga Camarines Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), sinasabing umalis ang biktima sa
kanilang bahay noon pang nakaraang Pebrero 18 upang mangisda lulan ng isang motorized banca.
Subalit, hindi na umano ito nakabalik pa.
Advertisement
Kaugnay nito, pinaniniwalaang nalunod ang biktima na nagin dahilan ng pagkamatay nito haggang sa naanod sa may bahagi ng Quezon.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.
Advertisement