NAGA CITY- Bagama’t hindi masyadong ramdam ang mahigpit na protocols kontra COVID-19, ramdam naman ngayon ng mga residente sa Brunei ang kakulangan sa suplay ng mga prime at basic commodities.
Sa report ni Bombo International Correspondent Jonnes Mabasa, sinabi nitong dahil sa kontralado ng gobyerno ang problema sa COVID-19 kung kaya konti lamang ang kasong naitatala sa lugar.
Bagama’t may mga ipinalabas na mga kautusan ngunit hindi gaanong mahigpit kumpara sa ibang mga lugar.
Ayon kay Mabasa, may nakatutok ang gobyerno sa pagmomonitor sa mga taong papasok sa lugar na mula pa sa ibang mga bansa.
Hindi na rin aniya tumatanggap ang Brunei ng mga produkto na mula pa sa mga karatig na lugar.
Bunsod nito, tanging ang mga local na produkto na lamang ng bansa ang pinaghahati-hatian ng mga tao kung kaya nagkakaroon na ng kakulangan.
Sa kabila nito, ikinatuwa naman aniya ng mga tao ang pagiging hands-on ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao at sa pagkontrol sa naturang sakit.