NAGA CITY- Hiling ngayon ng mga pinoy sa bansang Cyprus na muling magkaroon ng Philippine Consulate upang agad nilang malalapitan sa oras ng kanilang pangangailangan.

Sa report ni Bombo International Correspondent Josefina Bitoin, sinabi nito na kasabay ng pagharap ng problema sa Coronavirus disease sa lugar ay ang pagbaba din sa pwesto ng kanilang Consul General.

Dahil dito ayon kay Bitoin, sa Philippine Embassy na lamang ng Greece sila nakikipag-ugnayan at humihingi ng tulong.

Dagdag pa nito sa kasalukuyan marami sa lugar ang nakakaranas ng ‘no work, no pay policy’ dahil sa pag- lockdown dahil sa covid-19.

Advertisement

Sa kabila nito patuloy pa rin umano sa pakikipagsapalaran ang mga pinoy sa lugar sa kabila ng nararanasang covid-19 crisis.

Samantala pagdating naman umano sa mga ipinapatupad na batas laban sa Covid-19 hindi basta-basta nakakalabas ang mga mamamayan sa nasabing lugar.

Kailangan muna umano nilang magpadala ng mensahe sa mga otoridad at kung magreply sa kanila ay ito na ang gagamitin at maituturing na travel pass dito.

Advertisement