NAGA CITY – Nagkaroon ng courtesy call sa Naga City Mayor’s office ang bagong City Director ng Naga City Police Office (NCPO).
Kinilala ito na si PCol Marlon Catan. Ayon dito, isa sa kaniyang tutukan bilang bagong upo na City Director ang kaniyang mga kasamahang pulis na overweight at malalaki ang tiyan.
Papalitan ni Catan si outgoing City Director PCol Felix N Servita Jr.
Kung maaalala, halos dalawang taon din ang ginugol ni Servita sa kaniyang serbisyo bilang director ng NCPO.
Advertisement
Samantala, malugod din na tinanggap ng mga kasamahan niya sa serbisyo si PCol Catan bilang bagong pinuno ng kapulisan sa lungsod ng Naga.
Advertisement