NAGA CITY- Sa kabila ng hindi pagtugon ng Inter Agency Task Force (IATF), magpapatupad pa rin ng border control point ang alkalde ng Naga sa naturang lungsod.

Sa naging pahayag ni Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na ito ay upang mas mahigpitan pa ang pag-monitor sa mga pumapasok sa lungsod lalo na ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF) maging ang mga Locally Stranded Individuals (LSI’s).

Aniya, madami pa rin kasi ang mga nagsisiuwian na hindi nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ayon pa sa alkalde, hinihintay na lamang umano ang pagdating ngayong linggo ng nasa 95 augmentation force mula sa Regional Office ng Philippine National Police maliban pa sa siyam na miembro ng Philippine Army.

Advertisement

Sa ngayon, umaasa si Mayor Legacion na makakatulong ang nasabing hakbang kaugnay ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa naturang lungsod.

Advertisement