NAGA CITY – Pinangunhan ng grupo ng 9th Infantry Division, Philippine Army ang Interfaith Service, Wreath Laying at Flag Retreat Ceremony para sa mga sundalong biktima ng C-130 plane crash.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa 9ID Phil Army, napag-alaman na dumalo sa nasabing seremonya ang tiyuhin ni Sgt. Jack Navarro ng Philippine Air Force (PAF) na tubong Baao, Camarines Sur kasama si Municipal Councilor Farah Besinio.

Ngunit, hindi naman nakarating ang mga kapamilya ng mga sundalong si Cpl Dexter Estrada na tagaroon naman sa bayan ng Nabua sa nasabing lalawigan.

Matapos ang interfaith memorial service, isinagawa naman ang wreath laying ceremony sa Heroes’ Wall ng 9ID na sinundan ng pag-aalay ng mga bulaklak at kandila.

Advertisement

Samantala, binasa naman ni Major General Henry Robinson Jr. PA Commander ng 9ID ang mensahe ni Lt. Gen Erickson Gloria, Acting AFP Chief of Staff bago isinagawa ang flag retreat ceremony.

Advertisement