NAGA CITY- Pinaliwanag ng isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman mula sa Sorsogon City na ang chairperson lamang ang nakakakuha ng honoraria at PhilHealth benefits.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Benedick Uy, sinabi nito na hindi katulad nila, ang treasurer, secretary at mga SK Kagawad ay walang natatangap na honoraria.

Ayon pa kay Uy, nakadepende umano sa chairperson kung magbibigay ito ng allowance sa ilang pang opisyal ng SK.

Ngunit, ngayon na pirmado na ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagpapalakas ng SK Reform Act of 2015, magbibigay ito ng dagdag na privilege at benefits para sa iba pang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan.

Advertisement

Samantala, sa ngayon iba’t ibang mga programa ang planong gawin ni Uy para sa mga kabataan gaya na lamang ng youth camp.

Advertisement