NAGA CITY – Nakapagtala ng sunod-sunod na engkwentro ang 9th Infantry Division, Philippine Army laban sa mga rebelddeng grupo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Frank Roldan, tagapagsalita ng 9ID, naitala umaga noong Abril 30, 2023 ang engkwentro sa Brgy. Salvacion, Garchitorena, Camarines Sur habang hapon ng kaparehas na araw ng maitala naman ang isa pang engkwentro sa Brgy. Dapdap, Uson, Masbate.

Dagdag pa ng opisyal, naitala naman ang pinakabagong engkwentro noong Mayo, 1, 2023 kasabay ng Labor Day sa Brgy. Pinamihagan, Lagonoy, Camarines Sur.

Aniya, nakasagupa ng tropa ng 83rd Infantry Battallion ang makakaliwang grupo na tumagal ng nasa 10 minuto sa bayan ng Garchitorena.

Advertisement

Ito umano ay sa tulong at sumbong na rin ng mga residente sa nasabing lugar.

Ang ikalawang engkwentro naman na naitala sa bayan ng Uson sa lalawigan ng Masbate ay tumagal rin ng nasa sampung minuto ang palitan ng putok ng magkabilang grupo.

Pinagpapasalamat naman ng opisyal na walang naitalang casualty sa dalawang magkasunod na sagupaan sa tropa ng pamahalaan.

Samantala, sa sagupaan naman na nagyari sa bahagi ng Lagonoy, Camarines Sur narekober ng mga awtoridad ang dalawang mataas na kalibre ng baril kasama na ang isang M635 at KG9 na baril.

Ayon pa kay Roldan, na ang nangyaring mga sagupaan ay dahil na rin sa mga hakbang at plano ng pamahalaan gamit ang mga impormasyon na ipinaparating naman ng mga residente kung kaya natutukoy nila ang kinaroroonan ng mga rebeldeng grupo.

Sa kabila nito, siniguro naman ni Roldan na walang residente sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang nadamay o naapektuhan.

Advertisement