NAGA CITY- Patuloy na nakakapagtala ang Agrometeorological station nang state weather agency sa bayan ng Pili, CamSur ng mataas na heat index sa mga nakalipas na mga araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ian Neil Nuñez, OIC, CBSUA-Pili Agromet Station, sinabi nito na batay sa kanilang data, pumalo sa 44 degree celcius ang pinakamataas na heat index na kanilang nairehistro sa nakalipas na mga araw.
Ito ay nasa dangerous level na malubhang delikado para sa mga tao lalo na sa may mga sakit at mga sanggol.
Ayon kay Nuñez, pabago-bago ang naitatalang heat index sa lalawigan ng Camarines Sur ngunit nananatiling mataas kung kaya naman peligroso pa rin sa mga residentes.
Dagdag pa ng opisyal, ang kombinasyon ng air temperature o relative humidity ay nagreresulta sa mas mataas na temperatura na siya namang nararanasan ng mga tawo sa kasalukuyan.
Batay sa data nang state weather agency sa lalawigan ng Camsur, mararanasan pa rin ang mataas na heat index sa mga susunod na araw kung kaya dapat na handa ang publiko sa magigin epekto nito.
Kaugnay nito, pinaalalahan rin ng opisyal ang lahat sa posibilidad nang heat cramps and heat exhaution at heat stroke na dala ng mainit na panahon.
Siguraduhin umano na palaging uminom ng sapat na tubig at iwasan ang magbilad sa matinding sikat ng araw.
Sa ngayon, tiniyak ni Nuñez na patuloy na nakamonitor ang kanilang opisina upang makapagbigay ng tamang data at abiso sa publiko.