NAGA CITY- Naging maayos naman ang pagsisimula nang 2025 National and Local Election sa lalawigan ng CamSur at lungsod ng Naga ito’y kahit may naitalang ilang maliit na aberya sa ilang lugar.
Mayroong mga polling precint na hindi kaagad nakapagsimula gaya na lamang sa bayan ng Pili, mga botante na wala sa listahan at mga balota na hindi tinatanggap ng automated counting machine sa bayan ng San Jose, CamSur.
Ang mga nasabing insidente ay kaagad naman na naresolba kung kaya hindi naman lumala pa ang sitwasyon.
Sa kabila nito, nanatiling mapayapa ang nagpapatuloy na eleksyon sa lalawigan ng CamSur at lungsod ng Naga.
Kaugnay nito, marami ang pumila o nag-avail na mga senior citizen, pregnant wowen, PWD para sa early voting hours na nagsimula pasado alas 5 nang umaga at nagtapos pasado alas 7 ng umaga.
Mahigpit naman ang pagbabantay nang Camarines Police Provincial Office sa iba’t ibang lugar lalo na sa mga voting center at itinuturing na mainit ang pulitika sa nasa tatlumput-limang municipalidad at dalawang lungsod sa nasabing lalawigan.
Tiniyak nilang ang lahat ng mga kagamitan ay nasa maayos na kondisyon, at ang mga personnel ay handa sa anumang sitwasyon na maaaring mangyari ngayong araw.
Maaalala, may mga area o lugar sa lalawigan na naitala ang mataas na tensyon sa pulitika sa nakalipas na araw kung kaya mahigpit ang pagbabantay ng mga kapulisan.
Maliban dito, mahigpit rin ang pagbabantay upang maiwasan ang vote buying o vote selling sa lalawigan lalo pa’t mayroon ring naitala nito sa ibang lugar sa lalawigan ng Camarines Sur.
Samantala, maaga rin na natapos at nakapagboto na si Gobernatorial aspirant ng Camarines Sur na sina Lray Villafuerte at Bong Rodriguez habang kasalukuyang hindi pa bomoboto itong si Mayoral Aspirant sa Naga City na si Atty. Leni Robredo.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagbabantay ng mga kapulisan sa buong lalawigan ng Camarines Sur at Naga City upang walang maitalang untowards incident.